Share:

Bumaba na bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Secretary Mark Villar nitong Lunes. Limang taon siyang naging kalihim at namuno sa departamento.

“Ito na yung huling flag raising ko as DPWH secretary,” ayon kay Mark Villar. Sinabi niya ito sa flag raising ceremony ng DPWH nitong Lunes.

“Today is my last day after five years. I’ve officially, I’ve filed my resignation effective Wednesday. I’ll be stepping down on Wednesday as your secretary,” dagdag pa niya.

Hindi siya nagbigay ng dahilan ng kanyang pagbibitiw sa kanyang pwesto. Isa si Mark Villar sa mga napiling senatorial candidate ng Cusi-led PDP-Laban faction. (By: Frances Pio)

Leave a Reply