Share:

Inuutos ni Mayor Sara Duterte na ang paggamit ng face shield ay limitado lamang sa mga crowded places, close-contact settings, at confined and enclosed spaces (3Cs).

Inilabas ang Executive Order No. 51, series of 2021, nitong Lunes, Oktubre 4, kung saan nakapaloob ang guidelines sa paggamit ng face shield sa Lungsod ng Davao.

Ang bagong kautusan sa lungsod ay alinsunod sa inilabas na utos ni Pangulong Duterte noong Setyembre 22, kung saan limitado sa 3Cs ang paggamit ng face shield. Ito ay nakabase sa rekomendasyon ng IATF.

Leave a Reply