Share:

By Jude Sagun

––

Screengrabbed: Brightlight Productions 

MANILA, Philippines — Usap-usapan ngayon ng mga netizen ang umanoy pag-call out ng aktor na si Matteo Guidicelli sa co-host nito na si Alex Gonzaga-Morada sa noon time show na “Tropang LOL.”

Noong mga nakaraang episode kasi, nang ipakilala si Guidicelli bilang guest host ng programa, nakakapag biro si Gonzaga tungkol kay Guidicelli at sa ex-girlfriend nito na si Maja Salvador. 

Sa episode nitong August 11, nagbahagi ng mensahe si Guidicelli sa mismong show, partikular na kay Gonzaga. 

“Napanaginipan ko ‘to kagabi, sabi ko sa sarili ko at nag-pray ako, ‘Lex, tigilan na natin ang pagbiro natin sa mga asawa natin dahil… mga ex na ‘yan, e, tapos na ‘yan.”

“Maawa naman tayo kay Konsehal at sa asawa ko dahil kagabi umiyak na ako dahil sa ‘yo…”

“Dahil nasasaktan ako para sa asawa ko, tigilan na natin… Siyempre nai-stress din yung editor natin sa taas.”

Marami sa mga netizen ang ikinatuwa ang pag-call out ni Mateo sa actress-vlogger dahil sa tingin nila ay sumosobra na rin ang mga hirit nito. Sinabi pa nila na “Green Flag” anya si Guidicelli na nagpapakita lamang ng pagrespeto sa kanilang mga asawa. 

Pebrero noong 2020 nang ikasal sina Guidicelli at ang singer-actress na si Sarah Geronimo, nagkaroon pa ng tension noon sa pagitan nila at ng ina ni Geronimo na si Mommy Divine. Setyembre 2021 naman nang ikasal si Alex sa ngayo’y konsehal ng Lipa City na si Mikee Morada.

Dahil sa nasabing pag-call out, trending si Alex at muling nakatikim ng kritisismo online. Sa kanyang recent tweet, sinabi ng aktres, “Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be.” 

Tugon naman dito ng mga netizen, dapat daw matutunan ni Gonzaga minsan na humingi nalang ng tawad kapag nagkakamali. 

Ngunit sa bagong pahayag ni Guidicelli, nilinaw niyang nagbibiruan lamang sila ni Alex at pinutol anya ang kanilang naging buong usapan.

“There’s a lot of people that say negative things about her (Alex Gonzaga). I just want to clear the air and everything. Tropang LOL is an entertainment show and clips were coming out, naputol siya, without the punchline in the end e… na let’s just joke around your toenails, Alex,” ani Guidicelli. 

Tugon ni Alex sa mismong episode, si Guidicelli daw naman kasi ang naunang nagbanggit ng mga ex, kung kaya’t nagtaka rin siya kung bakit ito nagda-drama. 

Sa ngayon, patuloy sa pag-host sina Alex at Matteo sa show na napapanuod sa TV 5, A2Z at ABS-CBN channels. 

Leave a Reply