Share:

Ngayong darating na halalan, sa unang pagkakataon ay boboto ang mga residente ng Lungsod ng General Santos ng sarili nitong kongresista. Noong 2019 ay matatandaang nagkaroon ito ng sariling distrito na hiwalay sa South Cotabato.

Nais ni General Santos Mayor Ronnel Rivera maging kauna-unahang kongresista ng lungsod. Matatapos na ang pangatlo at huling termino ni Mayor Rivera bilang alkalde ng lungsod.

Naghain si Rivera ng kandidatura bilang kongresista ng General Santos City nitong Lunes, Oktubre 4. Umaasa siyang magwagi sa darating na Halalan 2022. (By: Frances Pio)

Leave a Reply