Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ipinagtataka ng mga tagahanga ni McCoy de Leon kung bakit nabura na ang lahat ng mga larawan na kanyang ibinahagi sa Instagram maliban sa isa.

Ang katangi-tanging larawan na laman ng kanyang Instagram account ay ang retrato kasama si Elisse Joson at ang kanilang anak na si Felize.

“When you both know the values of living a normal family life yung plans nyo together is always as one definitely God will blessed guide protect and provide for your family Life always for keeps,” ito ang caption ng aktor sa naturang larawan.

Ang nasabing larawan ay ipinost ni de Leon noon pang Hulyo 9, 2022.

Matatandaang naging maingay ang hiwalayang McLisse noong pagpasok ng bagong taon.

Kumalat sa social media ang ilang mga pag-uusap umano ni de Leon at ng isa pang babae ngunit agad din kinlaro ng aktor na wala itong katotohanan.

Kasabay ng paglilinaw ng aktor, sa pamamagitan ng serye ng Instagram stories, kinumpirma ni McCoy ang paghihiwalay nila ni Elisse at humingi ng tawad sa publiko.

Leave a Reply