Nakita ng mga opisyal ng Cagayan de Oro na dumoble ang vaccination rate ng lungsod laban sa COVID-19 simula noong nakaraang linggo. Ang sinasabing dahilan ay ang hindi pagpapapasok ng mga mall at iba pang mga establisyimento sa mga hindi pa bakunado.
Sa bilis ng paggalaw ng pagbabakuna ng lungsod sa kada-araw, maaaring makamit lamang ng Cagayan de Oro ang 70% na katayuan ng herd immunity sa katapusan ng taon o mas maaga pa, sabi ni Dr. Teodoro Yu Jr., medical officer at data analyst ng City Health Office.
Ang mga public health frontliners ng lungsod ay nag-i-inoculate ng average na 10,000 katao sa isang araw mula nang payuhan ng Cagayan de Oro ang mga mall at iba pang mga establisyimento na mag-require ng vaccination card sa mga gustong makapasok.
Ito ay 100% na pagtaas sa bilang kada araw na pagbabakuna kumpara sa mga araw na ang mga kinakailangan ay QR code, face shield, at face mask. Inalis na ng lungsod ang face shield at QR code rule ngayong buwan at sinimulan ang patakarang “no vax, no entry”. (By: Frances Pio)
