Handang magbukas ang mga sinehan sa Cebu City anumang oras dahil nais ni Mayor Michael Rama na bukas na ang lahat ng establisyimento para sa mga nabakunahang indibidwal pagsapit ng Disyembre 2021.
Sinabi ng Cebu City Emergency Operations Center (EOC) na natapos na nila ang inspeksyon sa karamihan ng mga sinehan sa lungsod at nasa bawat sinehan ang pagpapasya kung kailan sila opisyal na muling magbubukas.
Ang kanilang mga exhaust fan ay dapat na nakabukas at ang mga pinto ay dapat na panatilihing bukas. Ang mga sistema ng bentilasyon ay dapat na iakma sa iba’t ibang kapasidad para sa 30 porsiyento, 50 porsiyento, at 70 porsiyentong kapasidad upang matiyak na nananatiling mababa ang antas ng CO2.
“We will put premium on the CO2 level on the said establishments, and only fuly vaccinated individuals are allowed to get inside,” ayon kay Garganera, Chief ng Cebu City EOC. (By: Frances Pio)
