By: Frances Pio
Ang mga linemen mula sa iba’t ibang electric cooperatives sa Mindanao ay magpapalipas ng holiday na tumutulong sa pagpapanumbalik ng kuryente sa mga lugar sa Caraga Region na sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang linggo.
Ang mga linemen ay kabilang sa Task Force Kapatid na inorganisa ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. upang tumulong sa pagpapanumbalik ng mga linya ng kuryente sa mga lugar na pinabagsak ng bagyo ang suplay gaya Surigao del Norte kabilang ang Siargao Island, at Dinagat Islands.
Sa ngayon, ang mga sumusunod na electric cooperatives ay nagpakalat ng linemen sa Caraga: Northern Davao Electric Cooperative (Nordeco), South Cotabato I Electric Cooperative, South Cotabato II Electric Cooperative, Cotabato Electric Cooperative, Sultan Kudarat Electric Cooperative, Davao Oriental Electric Cooperative at Davao del Sur Electric Cooperative.
