Share:

Pinapakonsidera ng ilang mambabatas na baguhin ng COMELEC ang desisyon nitong hindi na papalawigin ang voter registration para sa Halalan 2022 na nakatakdang matapos sa September 30, 2021.

Giit naman ng ilang mambabatas na maaapektuhan ang mga mamamayan na gustong bumoto. Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, dapat kinonsidera ng COMELEC na palawigin ang araw kaysa sa ang oras ng voter registration. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong nais makabuto.

Ayon naman sa Makabayan Bloc, ang desisyon ng COMELEC na hindi na palawigin ang voter registration ay pag-aalis ng karapatang makaboto ng mga nais makaboto na mamamayang naapektuhan ng samu’t saring lockdown sa bansa.

Leave a Reply