Share:

Nanawagan ang grupo ng mga negosyante sa gobyerno na magpakita ng pake at pag-aalala sa mga negosyo at empleyadong naapektuhan ng biglaang pagbabago ng quarantine classification sa Metro Manila.

Ang Philippine Chambers of Commerce and Industry (PCCI) ay nagsabi sa isang pahayag na, ang gobyerno at sa mga opisyal nito ay dapat na iniisip ang bigat ng kanilang mga deklarasyon. “Authorities must be prudent in prematurely announcing half-studied policies or policy shifts as they have tremendous impact on business operations and people’s daily lives,” ika ni PCCI acting president Edgardo Lacson.

Nasayang ang paghahanda ng mga negosyo at mga empleyado sa Metro Manila na umaasang makakabawi sa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Naging malaki ang epekto sa ekonomiya ng biglaang binago ng gobyerno ang classification, dahil sa hindi pa nila lubos na plantsado ang plano sa bagong GCQ with alert levels.

Leave a Reply