Share:

Matapos ang dalawang linggong enhanced community quarantine (EQC), ilang residente ng maynila ang nanghihinayang dahil hindi pa rin sila nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Sa listahan ng Manila Public Information Office, 34 na barangay ang hindi nagpasa ng kanilang beneficiary forms na dapat aprubahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga residente na hindi nakakuha ng ayuda ay kasama sa listahan ng mga barangay sa maynila na hindi nagpasa ng social amelioration program form.

Ayon naman kay Manila Mayor Isko Moreno, tig-isang daan (100) SAP forms kada barangay ang ibinigay nila ngunit mayroong mga barangay na hindi pa nasasagutan ng residente ang forms pero ibinalik na ito.

Kaya hanggang ngayon marami pang residente na kasama sa listahan ng mga hindi nagpasa ng forms ang hindi pa nakakakuha ng kanilang ayuda.

Samantala, sa dako naman ng barangay 270 Binondo, Manila, nanghihinayang ang mga vendor sa bangketa sa apat na libong piso (Php 4,000) ayuda na galing sa National Government para sa kanilang pangangailangan dahil halos dalawang linggo silang walang hanap buhay dahil sa ECQ.

Leave a Reply