Share:

Sa report na inilabas ng Police Regional Office 4A nitong Huwebes, ang pangulo ng Sangguniang Kabataan ng Lumban, Laguna ay napatay sa isang insidente ng pamamaril noong Martes.

Binaril nang ilang beses ang pangulo ng SK sa kanyang sariling tahanan na si Renzo Matienzo, 26, ng Barangay Maytalang batay sa ulat ng pulisya.

Ayon sa ulat agad namang tumakas ang umatake.

Samantala, dead on the spot si Matienzo sa ulat ng PRO4A Public Information Office.

Dagdag pa nito ay hindi pa matukoy ang motibo sa likod ng krimen.

Ayon kay Police Captain Mary Anne Crester Torres pinuno ng PRO4A PIO sa isang reporter, nasa proseso pa ang pagsusuri sa mga CCTV ng lugar upang makilala ang suspek sa nasabing krimen.

Upang makilala ang suspek ay agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga kapulisan upang agad na maaresto kung sino ang may gawa.

Nagbigay ng pakikiramay sa pamilya ng Matienzo ang Lumban Sangguniang Kabataan noong Huwebes.

Leave a Reply