Mahigit 50 residente at miyembro ng environmental groups ang nagsagawa ng protesta noong Huwebes para tutulan ang dredging activities ng isang trading company para sa pagtatayo ng causeway at jetty port sa baybayin ng bayan.
Sinabi ng mga nagprotesta na ang pagtatayo ng isang daungan sa isang lugar na masasakop rin ang mga bahagi ng kalapit na bayan ng San Felipe ay maaaring maging panimula sa pagmimina ng itim na buhangin, na tinatawag itong “destructive and illegal.”
“Our town is heavily relying on tourism, fishing and agriculture and this kind of project will cause severe damage to our environment and our source of livelihood,” ayon kay Ricardo Reyes, presidente ng environmental group na Save Zambales Kalikasan Movement (SZKM).
Ayon kay Reyes, ang jetty port at causeway construction na pinamumunuan ng AGN Trading, isang kumpanyang nakabase sa lalawigan ng Pampanga, ay kabilang sa limang proyektong itatayo sa lalawigan sa mga “service corporations” na maghahatid ng lahar mula Mt.Pinatubo hanggang sa iba pang bahagi ng bansa at iba pang kliyente sa Asya.
Sinabi niya na ang San Felipe causeway project ay magre-reclaim ng isang ilog at gagawin itong network ng kalsada na konektado sa river dike road habang ang nakaplanong private jetty port ay magseserbisyo sa mga truck na humahakot ng lahar mula sa Mt. Pinatubo. (By: Frances Pio)
