By Christian Dee

MAYNILA – Kumpirmadong hindi nakaligtas ang anim na taong lulan ng Cessna plane na naiulat na nawawala noong Enero pa.

Ngayong Huwebes, Marso 9, inanunsyo ng mga awtoridad na natagpuan na ito matapos ang mahigit isang buwang paghahanap ngunit wala nang buhay ang mga pasaherong sakay nito.

Ayon sa Isabela Incident Management Team (IMT) na pinamumunuan ni Constante Foronda, Gen AV Cessna 206 ay natagpuan sa kagubatan sa Barangay Ditarum sa bayan ng Divilacan sa naturang probinsya.

“No survivors,” ani Foronda.

“We delayed this briefing until all the relatives of the passengers and the pilot have been informed,” dagdag pa niya.

Natukoy naman ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Captain Eleazar Mark Joven (piloto), Val Kamatoy, Rom Josthle Manday, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra, at Josefa Perla Espana.

Matatandaang naiulat na nawawala ang naturang Cessna plane noong Enero 24 matapos lumipad galing Cauayan City Airport papunta sana sa Maconacon Airport.

Leave a Reply