By: Frances Pio

Inanunsyo ni Mayor Sara Duterte na ang mga fully immunized na indibidwal o ang mga nakatanggap ng pangalawang doses ng anti-COVID vaccine tatlong buwan na ang nakakaraan ay maaari nang maka-avail ng kanilang mga booster shot.

Hinikayat din ni Duterte ang mga residente na kumuha ng kanilang booster jabs sa lalong madaling panahon.

“Dili na po nato dugay-dugayon pagkuha sa atoang booster. What we’re trying to do, atong unahan ang surge na panghitabo (Let us not delay for too long in getting our boosters. What we’re trying to do, we want to be ahead of the looming surge),” ayon kay Mayor Duterte.

Sa isang pahayag na inilabas ng pamahalaang lungsod noong Miyerkules, Disyembre 29, sinabi nito sa 1,111,102 na ganap na nabakunahan na mga indibidwal, 19,506 pa lamang ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot mula noong pinapayagan ang booster para sa A1 (mga health care worker), A2 (senior citizens) , at A3 (mga taong may comorbidities).

Leave a Reply