Nagtungo sa mga lansangan ng Zamboanga ang mga peace advocates, na hudyat ng pagsisimula ng taunang linggo ng kapayapaan na ipinagdiriwang sa buong Mindanao na nagsimula noong Huwebes, Nobyembre 25.
Nagsimula sila sa isang “peace trek” mula sa Climaco Freedom Park sa Abong-Abong hanggang Muruk sa Pasonanca at muling nanumpa ng kanilang pangako ng pagsuporta para sa kapayapaan sa Mindanao, na dumanas ng maraming dekada ng kaguluhan dulot ng mga rebelyon.
Ang Mindanao Week of Peace ay magtatapos sa Miyerkules, Disyembre 1.
“Throughout this week-long event, we shall advocate not just for the healing of the wounds caused by the armed conflict but also for the healing of the nation from the global health crisis,” ayon sa isang hinandang pahayag ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Carlito Galvez. (By: Frances Pio)
