By Christian Dee

MAYNILA – Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsagawa ng nakatalagang hintuan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City para sa mga pampublikong sasakyan.

Sabi ng awtroridad, layunin nitong mapanatili ang kaligtasan sa kalsada.

Saad ni Acting Chairperson ng MMDA na si Engr. Carlo Dimayuga III sa isang pagpupulong kasama rin ang Acting Manager Baltazar Melgar, mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at mga jeepney operators na kailangan ng hintuan ng mga pampublikong sasakyan bilang sakayan at babaan ng mga pasahero. Giit din ng chairperson na ito ay bahagi ng kaligtasan sa kalsada.

There should be designated bus and jeepney stops for passengers as part of road safety,” ani Dimayuga.

It’s about time to instill road discipline among all passenger vehicles,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat naman si Pasang Masda President Obet Martin sa pagtugon ng MMDA sa concern ng mga jeepney operators.

Bukod dito, sumang-ayon naman ang Metro Manila Council na magtalaga rin ng linya para sa mga motorsiklo sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Sa ngayon, ang mga public utility vehicles (PUV) at mga motorsiklo ay itatalagang gamitin ang ikalawa at ikatlong linya sa nasabing kalsada.

Leave a Reply