By: Margaret Padilla

––

Sumulat ng muli bagong kanta ang singer-songwriter na si Moira Dela Torre tungkol sa pag-iwan, sa tulong ng kapwa musikero na si Ogie Alcasid.

“(I) finished another song at the Alcasids last night [with] the help of my tito (uncle) Ogie Alcasid, who humbly asked me ‘may I?’ and played the piano for me,” Inilarawan ni Dela Torre ang kanyang oras na ginugol sa mga tahanan ni Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid, kanyang kapwa Kapamilya artists.

Iniulat ng Philippine Daily Inquirer na nagbahagi ang ‘Kumpas’ singer ng isang video sa kanyang Facebook page noong Setyembre 20, na nagpapakita kung paano nila natapos ang isang bagong kanta.

Bago siya sinamahan ni Alcasid at tumugtog ito ng keyboard para tulungan siya, ipinakita muna sa video clip na mag-isa si Dela Torre na tumutugtog ng piano.

“Saan ka na? / Babalik ka pa ba? / Hintayin ba kita? / Parang di naman lumaban / Pwede bang paniwalaan na merong iba? / Ano ba ang aking halaga?” ang kanyang pag awit sa lyrics ng kanta.

“What a dream!” aniya. Itinuturing ng singer-songwriter na “isang pangarap” ang makasabay sa paglikha ng awitin si Alcasid.

Nabanggit rin niya ang presensya ng kanyang “Idol Philippines” co-judge na si Chito Miranda at ang asawa nitong si Neri Naig sa pagbibigay inspirasyon sa kanila habang sinusulat ang kanta.

“”Thank na you din sa bago kong paboritong ate Neri at kuya Chito na nagcheer lang sa likod,” she said.

Hindi pa ibinunyag ni Dela Torre ang pamagat ng kanta o kung posible ang isang studio recording.

Samantala, kinilala at pinuri ng mga netizen ang kanyang bagong itsura sa isa pa niyang post sa social media, na trending na rin.

Nag-post si Dela Torre ng mga larawan niya sa kanyang Facebook page habang naka-pose at suot ang isang glittering na silver dress noong Lunes, Setyembre 19.

Sinabi niya sa caption: “thank you for making me feel extra beautiful last night, ily guys.”

As of this writing, mahigit 460,000 internet users ang nag-react ng ‘puso’ sa kanyang post. Karamihan sa mga feedback ay binanggit kung gaano nila kamahal ang singer at judge ng “Idol Philippines.” (Photo/s: Official Facebook pages of Moira dela Torre at Neri Naig.)

Leave a Reply