By Frances Pio
––
Idineklarang global health emergency ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox outbreak dahil sa mabilis na pagkalat nito, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus noong Sabado.
Ang label ng WHO, na “public health emergency of international concern (PHEIC),” ay idinisenyo para gumawa ng coordinated international response at maaaring magbigay ng pondo para sa pagtutulungan sa pagbabahagi ng mga bakuna at paggamot sa sakit.
Nagpulong ang mga miyembro ng isang expert committee noong Huwebes upang talakayin ang potensyal na rekomendasyon, ngunit hati ang kanilang mga desisyon, na may siyam na miyembro laban at anim na pabor sa deklarasyon na ginawa ng WHO, dahil dito, napilitan si Tedros mismo na basagin ang deadlock, sinabi niya sa mga mamamahayag.
“Although I am declaring a public health emergency of international concern, for the moment this is an outbreak that is concentrated among men who have sex with men, especially those with multiple sexual partners,” sinabi ni Tedros.
“Stigma and discrimination can be as dangerous as any virus,” dagdag pa niya.
Sinabi niya na ang panganib ng monkeypox – na kumakalat sa pamamagitan ng close contact at may posibilidad na magdulot ng mga sintomas na tulad ng trangkaso at mga sugat sa balat na puno ng nana – ay moderate sa buong mundo, maliban sa Europa, kung saan itinuring ng WHO na nasa high risk.
Sa ngayon, mayroong higit sa 16,000 na kaso ng monkeypox sa higit sa 75 na bansa, at limang pagkamatay sa Africa ang naitala.
Pangunahing kumakalat ang sakit sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki sa kamakailang mga kaso, sa labas ng Africa kung saan ito ay endemic.
Malugod na tinanggap ng mga eksperto sa kalusugan ang desisyon ng WHO na maglabas ng deklarasyon ng PHEIC, na hanggang ngayon ay idineklara lamang sa pandemya ng COVID-19 at patuloy na pagsisikap na puksain ang polio.