Share:

By Frances Pio

––

Isang benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang pinatay ng anim na hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa Sitio Lacanon 1, Barangay Libertad, Escalante City, Negros Occidental noong Biyernes, Hulyo 22.

Sinabi ni Police Staff Master Sgt. Rodel Betic, case investigator ng Escalante City Police Station, kinilala ang biktima na si Hadjen Casipong, 41, ng Barangay Libertad.

Sinabi ni Betic na nag-aalaga ang biktima sa kanyang sakahan nang dumating ang mga armadong lalaki at pinagbabaril siya sa ulo, dibdib, at katawan.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang isang fired cartridge ng .45 caliber firearm, at tatlong fired cartridge ng AK47.

Sinabi ni Betic na hindi pa nila matukoy ang motibo sa pagpatay. Hindi pa rin masasabi kung may kinalaman ito sa insurgency.

Sinabi ni Betic na malayo sa mga kabahayan ang farm na pinagtatrabahuhan ng biktima, at maaaring walang nakasaksi sa insidente kahit na nakarinig sila ng putok ng baril mula sa malayo.

Leave a Reply