Dahil sa kakulangan ng trabaho sa bansa, madami nang umasa na pagkakitaan ang pagiging online delivery rider. At ngayon binibigyan na din ng pahintulot ang mga motorcycle taxis na bumyahe.
Ayon kay Rep. Precious Hipolito-Castelo humingi siya ng abiso sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na bigyan ito ng pahintulot tulad ng ginawa ng bansang Indonesia.
“If they can do it, we can do it to help millions of our people who still have no jobs and income due to quarantine restrictions,”
Kailangan lamang sumunod ng mga riders sa mga ipapatupad na protective measures tulad ng pag gamit ng Personal Protective Equipment na aprubado ng Department of Health at pagsusuot ng plastic shield na backpack style, face mask at face shields upang mapanatili ang Social Distancing sa rider at pasahero.
Ang paglunsad nito ay malaking tulong din umano sa pag bawas sa bigat ng trapiko sa kalsada at maging mas madali ang pag byahe sa mga kababayan nating commuters ngayong may pandemya.
