Morning breeze homes sa muntinlupa isasailalim sa extreme localized community quarantine simula ngayong Miyerkoles, Hunyo 3.
Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi ilalagay sa extreme localized community quarantine ang Morning breeze homes sa Barangay Alabang, Muntinlupa.
Ito ay magtatagal ng tatlong araw at ang lahat ng residente ng barangay ay pinagbabawalang lumabas dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Nagpadala naman ng agarang tulong ang Social Welfare Department tulad ng mga relief goods dahil sa biglaang lockdown.
Magsasagawa rin ng rapid testing sa buong barangay kasunod ng dumaraming kaso sa kanilang nasasakupan.