By Christian Dee

MAYNILA – Binalaan naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office ang Maynilad na kung sakaling maulit ang mahabang problema sa tubig ay hindi mahihiya ang tanggapan na magpataw ng panibagong multa.

This sends a signal to them that they should fix every problem,” ani ng Chief Regulator ng MWSS na si Patrick Ty.

Tugon naman ng Maynilad na hindi nila maipapangakong hindi mauulit ang pangyayari dahil mayroong mga sitwasyon na hindi natin kontrolado.

“Hindi ko puwedeng sabihin totally na hindi na ito mangyayari, may mga extreme cases na beyond our control,” ani Ronald Padua, Maynilad water supply operations head.

Samantala, ang mga kostumer ng Maynilad naman sa Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque na aabot sa higit 140,000 ang bilang ay makakaranas ng balik-bayad dahil sa lampas isang buwang problema sa serbisyo ng tubig.

Inanunsyo ni Chief Regulator Patrick Ty ang rebate na P65 na magsisimula sa Nobyembre aniya sa isang public constultation.

The total amount is divided among all the affected customers. That’s the reason why just P65,” sabi ng hepe.

Sinabi rin ni Ty na ang importante raw ay ipinagbuti na ng Maynilad ang serbisyo nito.

(Photo Courtesy of MWSS)

Leave a Reply