Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Iniutos ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Maynilad na magbigay ng rebate na mahigit P24 milyon para sa mga naapektuhan ng aberya sa serbisyo ng tubig.

Matatandaang itinurong dahilan ng aberya ang mga problema sa pasilidad ng Putatan Water Treatment Plant sa lungsod ng Muntinlupa.

Sabi naman ng Maynilad, susunod ito sa iniutos na penalty na ipinataw ng MWSS.

“We will comply with the P27.47 million penalty imposed by the MWSS Regulatory Office due to the water service interruptions in the South brought about by problems in the Putatan Water Treatment facility,” anang water concessionaire.

Sa isa pang pahayag, sinabi rin ng Maynilad na matapos nilang pag-aralan ang dahilan ng aberya, sumang-ayon na ito sa MWSS Regulatory Office tungkol sa rebate.

Patuloy naman, ayon sa utility concessionaire, ang mga maintenance activities sa nasabing planta.

Pagbibigay-linaw ng Maynilad, magdamag daw silang nagtatrabaho upang maayos nan ang buo ang water service nito sa lalong madaling panahon.

“We are working round-the-clock to fully restore water service at the soonest possible time,” anang Maynilad.

Samantala, hindi pa natutukoy ng MWSS ang bilang ng mga benepisyaryo ng rebate.

Leave a Reply