By: Jen Lopez

Maraming mga jeepney drivers ang dumadaing sa kanilang dinaranasan ngayon ng dahil sa pagtaas ng presyo ng langis na epekto ng hidwaan ng bansang Russia at Ukraine.

Ayon sa isang jeepney driver at national president ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston)
na si Modesto Floranda, pakiramamdam nila ay para silang nanlilimos sa kakahintay na maibigay ng gobyerno ang fuel subsidy na nagkakahalagang P6,500.

“Ang mahirap kasi dito, yung tulong na hinihingi namin sa LTFRB. Marami pang kailangan na ipasang mga dokumento na matagal din bago maproseso”

(The big problem here is the hardship of claiming the assistance from the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) due to the long process and many documents that we need to submit,)

Ayon naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nagsimula na maipamigay ang fuel subsidy noon pang nakaraang ika-15 ng Marso. Ang subdisidy umano ay ipapasok din sa dating Pantawid Pasada Card na ipinamigay noon sa mga jeepney drivers.

Ngunit sa kabilang banda, reklamo ng mga jeepney drivers, kahit ilang pabalik-balik na ang kanilang ginawa upang makuha ito, wala pa umanong pumapasok na pera sa kanilang Pantawid Pasada Card.

Ayon kay Floranda, kung nanaisin ng gobyerno na magabot ng tulong sa mga jeepney drivers maari nilang ipatupad ang pagtaas ng P1 sa minimum fare ng mga jeep sa Metro Manila. Ngunit hindi ito hinatulan ng LTFRB.

Dagdag pa ni Floranda, pareho lamang ito ng nangyare noong nakaraang 2018 kung saan itinaas ng gobyerno ang minimum fare nang dahil sa pagtaas ng langis.

Tugon naman ni Ricardo Rebaño, president of the Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), kung makakakuha ng 200 pasahero ang bawat isang jeepney driver sa isang araw, katumbas rin ito ng dagdag na P200 pesos na dinadaing nilang dagdag sa pangaraw-araw na pangkrudo.

Dagdag pa niya, habang pinagiisipin pa ng gobyerno ang gagawin sa pagpapatupad ng fuel subsidy, maaring taasan muna ng gobyerno ang presyo ng pamasahe upang makatulong sa mga pampasaherong jeep.

Leave a Reply