By: Frances Pio

–

Ang dating three-term Senator at ngayon ay tumatakbong muli sa pagkasenador na si Loren Legarda ay nangangako sa pagsusulong ng paglikha ng trabaho at kabuhayan, pangangalaga sa kapaligiran at pangangalaga at pagtataguyod ng kultura at tradisyon sa Rehiyon ng Cordillera kung siya ay muling mahalal sa Senado ngayong taon.

“Para maging matagumpay ang ating pandemic recovery, kailangan nating isulong ang economic empowerment ng bawat pamilyang Pilipino. Sila ang mga driver na tutulong para maging economically competitive ang ating bansa at para mangyari iyon, kailangan natin silang bigyan ng trabaho at oportunidad na magkaroon ng kabuhayan upang sila ay makapag-ambag sa ating hangarin sa pag-unlad ng ekonomiya,” sabi ni Legarda.

Ang dating Senador, na masayang kilalanin bilang anak ng Cordillera bilang “Tukwifi”, isang pangalan na ibinigay sa kanya ng Cordillera Indigenous Elected Women Leaders’ League na nangangahulugang “Bright Star”, ay may iba’t ibang proyekto at inisyatiba na nakatulong sa maraming taga-Cordillera lalo na sa usapin ng hanapbuhay at kabuhayan. Nagbigay siya ng pondo sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) noong 2017, 2018 at 2021 para sa Department of Labor and Employment (DOLE) Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Apayao, Ifugao, Mountain Province, Abra, Kalinga, at Benguet. Naglaan din siya ng pondo para sa DOLE Government Internship Program (GIP) at Pangkabuhayan at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Sustainable Livelihood Program sa rehiyon.

Bukod dito, naglaan ng pondo si Legarda para sa mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng GAA 2017 at 2018 tulad ng Barangay Kabuhayan Skills Training Program (BKSTP), Training for Work Scholarship Program (TWSP), at Special Training for Employment Program (STEP) sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa rehiyon ng Cordillera. Upang matulungan ang mga estudyante ng Cordillera, naglaan din si Legarda ng pondo para sa Commission on Higher Education (CHED) Tulong Dunong Scholarship na may 47 grantees mula 2016-2017 at 2019-2020.

Sa kabilang banda, sa usapin ng pagpapaunlad ng komunidad, pinondohan ni Legarda sa ilalim ng 2019 GAA ang rehabilitasyon at pagpapabuti ng Abra-Kalinga Road at Licuan-Baay, Abra. Naglaan din siya ng pondo para sa pagbili ng mga ambulansya para sa Community Hospital, Natonin, Mountain Province at sa Bauko, Mountain Province.

Bilang isang matagal ng tagapagtaguyod para sa kultura at kapaligiran, ang dating Senador ay nakatuon din sa pangangalaga sa mga likas na yaman ng Cordillera gayundin sa pangangalaga at pagtataguyod ng tradisyon at kultura ng rehiyon.

“Alam kong ang Cordillera ay may mayaman at iba’t ibang kultura at masaganang likas na yaman na kailangan nating patuloy na protektahan, pangalagaan at itaguyod para sa ating mga susunod na henerasyon. Dapat nating patuloy na gawin ang ating makakaya para hindi na makalimutan o masira ang mga ito,” dagdag ni Legarda.

Upang maibalik sa dating kalagayan ang Banaue Terraces, naglaan si Legarda ng pondo para sa iba’t ibang proyekto bilang suporta sa pagpapanumbalik ng Banaue Terraces sa ilalim ng 2018 GAA. Sinuportahan din niya ang Terraces Restoration Initiative at ang United Movement in the Preservation of Heritage: Improvement of Trekking Trails sa ilalim ng Department of Tourism (DOT) Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at and Agricultural Infrastructure – Small Scale Irrigation sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Nakipagtulungan din si Legarda sa Komisyon ng Wikang Filipino sa Language Monument o Bantayog-Wika na naglalayong tukuyin ang mga lugar kung saan nagmula ang mga wika at kabilang ang Ifugao at Kalinga sa mga lugar kung saan itinayo ang mga monumento ng wika. Dinala din niya ang tradisyon ng paghabi ng mga taga-Cordillera sa “Hibla ng Lahing Filipino: Traditional Philippine Textile Gallery’”, na kanyang pinangunahan, ang unang permanenteng gallery na nagpapakita ng malalawak na koleksyon ng mga tela ng Filipino. Kasama sa gallery ang Tinguian blanket mula sa Abra at Gaddang garments mula sa Ifugao.

“Napaka-espesyal ng Cordillera sa puso ko at sisiguraduhin kong matatanggap nila ang pantay na pangangalaga at suporta kung ako ay makababalik sa Senado. Tulad ng nasabi ko noon, sisiguraduhin ko na ang mga programa at proyekto ng gobyerno ay malalapit sa mga tao para sila’y matulungan lalo na at patungo tayo ngayon sa pandemic recovery,” pagtatapos ni Legarda.

Leave a Reply