Share:

Nakapagtala ng 29 na kaso noong Martes ang lungsod, ang pinaka mababang naitalang kaso kada araw makalipas ang anim buwan. Ito ay mababa ng 76% sa naitalang 121 na kaso noong Setyembre 6.

Naitala man ng Cagayan de Oro ang pinaka mababang kaso ng COVID-19, nababahala pa rin ang mga pinuno ng lungsod dahil sa patuloy na pag-angat ng mga kaso sa ibang lugar sa Mindanao.

Natuwa man ang alkade ng Cagayan de Oro na si Mayor Oscar Moreno, nananatili pa ring nakaalerto ang pamahalaan sa possibleng pagtaas ng kaso. “No one is safe until everyone is safe,” pahayag ni Mayor Moreno.

Leave a Reply