By Christian Dee

MAYNILA – Muling naghain ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) sa aktor at TV host na si Luis Manzano at sa kumpanyang Flex Fuel Corporation.

Ito ay upang madinig ang kanyang panig kaugnay ang kasong estafa na inirereklamo laban sa kanya at sa naturang kumpanya.

Matatandaang naghain na ng subpoena ang NBI kay Manzano, dating co-owner at chairman of the board ng naturang kumpanya, kamakailan ngunit hindi dumalo sa pagdinig ang kampo ng aktor noong Lunes, Pebrero 13.

Humingi ng labing-limang araw na extension ang panig ni Manzano para masuri pa at makapagsumite ng ebidensya tungkol sa naturang reklamo.

Nakatakda naman ang susunod na pagdinig para sa imbestigasyon sa darating Pebrero 20 at inaasahang dadalo ang dalawang panig.

50 co-owners ang mga naghain ng reklamong estafa laban kay Manzano at sa Flex Fuel.

Ipinaliwanag naman ni Manzano na humingi siya ng tulong sa nasabing ahensya para imbestigahan ang kumpanya noong Setyembre ng 2022 matapos siyang mahingan ng tulong nga mga investors nito.

Noong Nobyembre 2022 naman naghain na rin ng reklamo si Manzano sa kumpanya dahil sa umanong P66-milyong utang ng kumpanya sa kanya.

Leave a Reply