By: Margaret Padilla
Matapos pumanaw si Queen Elizabeth II, ibinunyag ng Netflix na itinigil nito ang paggawa ng drama series na “The Crown,” ang British royal drama nito, noong Biyernes at sa araw ng royal funeral bilang paggalang sa yumaong monarch.
“As a mark of respect, filming on The Crown was suspended today,” ang sabi ng Netflix sa isang pahayag nito noong Biyernes. “Filming will also be suspended on the day of Her Majesty The Queen’s funeral.”
Ang Netflix drama tungkol sa buhay at reign ni Queen Elizabeth sa loob ng ilang dekada ay kasalukuyang nasa paggawa ng ika anim na season nito.
“The Crown is a love letter to [the Queen] and I’ve nothing to add, for now, just silence and respect, I expect we will stop filming out of respect too,” ang wika ni Peter Morgan, ang may-akda, sa isang pahayag noong Huwebes.
Ang mga kaganapan sa maharlikang pamilya noong 1990s, tulad ng pagpanaw ni Princess Diana, ay inaasahang mapapanood sa ikalimang season, na magde-debut sa Nobyembre. Si Imelda Staunton ang bagong gaganap sa papel ng Reyna.
“None of us know when that time will come but it would be proper to show respect to the Queen. It would be a simple tribute and a mark of respect. She’s a global figure and it’s what we should do,” matatandaang sinabi ng direktor ng The Crown na si Stephen Daldryhe noong 2016 sa unang paglabas ng Emmy-winning na Netflix drama.
Ayon sa isang artikulo ng People, hindi inaasahan na ang season six at huling season ng palabas ay magpapakita ng mga kasalukuyang pangyayari.
Ang ika-6 na season ay nagpalabas ng buhay ng reyna sa mga nakaraang taon mula ng umakyat sa trono ang isang batang Prinsesa Elizabeth at ang kanyang kasal kay Prince Philip noong 1947.
Sa edad na 96, pumanaw ang monarko na may pinakamatagal na paghahari sa kasaysayan ng Britanya sa Balmoral Castle, ang kanyang bahay bakasyunan sa Scotland.
HIndi pa naglalabas ng anunsyo ang Buckingham Palace sa petsa ng libing.
Samantala, para sa susunod na ika anim na season ng drama, nagsimula na ang casting para sa ilan sa mga roles gaya nila Prince William at Kate Middleton. (Photo/s: Claire Foy in The Crown – Robert Viglasky/NETFLIX / SplashNews.com)
