Share:

By Frances Pio

––

Nakuha ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena ang bronze medal sa 2022 Athletissima sa Lausanne, Switzerland noong Biyernes ng umaga, Agosto 26.

Nagrehistro si Obiena, ang No. 3 pole vaulter sa mundo, ng 5.80 meters sa kanyang ikalawang attempt upang masungkit ang podium finish laban sa mga kilalang top-ranked player. Samantala, si Mondo Duplantis ng Sweden ay namuno sa paligsahan matapos na malinis na lagpasan ang 6.10m sa kanyang ikatlong attempt upang magtala ng isang bagong meet record.

Si Duplantis, ang 2020 Tokyo Olympics gold medalist, ay madaling nagtagumpay sa 5.90 mark sa kanyang unang attempt at piniling itaas ang bar sa 6.10m.

Sumunod naman ang Amerikanong si Christopher Nilsen sa pangalawang puwesto at nalampasan ang 5.80m clearance sa loob lamang ng isang attempt.

Parehong sinubukan nina Nilsen at Obiena na malagpasan ang 5.90m ngunit nabigo pagkatapos ng tatlong attempt ng bawat isa.

Si Sondre Guttormsen ng Norway ay pumuwesto sa ikaapat na puwesto sa kabila ng paglampas sa 5.80m dahil sa countback.

Ang susunod na laban para sa Filipino top pole vaulter ay ang True Athletics Classics sa Leverkusen, Germany sa Linggo, Agosto 28 doon.

Obiena wagi ng bronze medal sa Switzerland

Leave a Reply