Share:

By Frances Pio

––

Kumpiyansa ang Philippine Statistics Authority (PSA) na makakamit nito ang year-end target nitong 30.1 million printed national identification cards at 19.9 million digital and printable cards, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cruz-Angeles na noong Agosto 23, inilipat ng PSA sa Philippine Postal Corp. ang 17.6 milyong national ID card para ihatid sa mga may-ari nito.

Idinagdag niya na si Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, na siya ring National Economic and Development Authority (Neda) chief, ay nag-ulat na ang PSA ay gumagawa ng malaking pag-unlad upang maabot ang target sa pagtatapos ng taon na 30.1 milyong physical ID card, o 58 porsiyento ng kabuuang target. Ang PSA ay isang attached agency ng Neda.

Sinabi ni Cruz-Angeles na ipinaalam din ng Neda chief sa Malacañang na sa nakalipas na 11 araw, ang daily average ng physical cards na ginawa sa Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP) printing facilities ay 103,000, na higit sa target ng PSA.

Iniutos ni Pangulong Marcos sa PSA na mag-isyu ng 30 milyong national ID sa pagtatapos ng taon at maabot ang target na 92 milyon sa kalagitnaan ng 2023.

Sa kanyang unang State of the Nation Address noong nakaraang buwan, sinabi niya na ang national ID ay magbibigay-daan sa tuluy-tuloy na mga transaksyon sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan.

Leave a Reply