Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Dumating na sa Turkey nitong Huwebes, Pebrero 9, ang rescue team na ipinadala mula sa Pilipinas para magpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng pagyanig sa lugar noong Lunes, ayon sa Office of the Civil Defense.

83 katao ang bilang ng mga naipadala ng bansa, na dapat sana ay 87 ngunit ayon kay Office of the Civil Defense Joint Information Center head Diego Agustin Mariano, hindi na nakasama ang apat pang tauhan.

Aniya sa Inquirer, dalawa mula sa OCD ay kulang sa kanilang travel documents na kinakailangan, habang ang huling dalawang hindi nakasama naman mula sa Metropolitan Manila Development Authority ay kulang din sa nasabing mga dokumento.

Dumating ang sinasakyang eroplano ng grupo ng rescuers sa Turkey ng alas-12:08 ng tanghali ani Mariano.

Matatandaang Miyerkoles ng gabi, Pebrero 8, ang nakatakdang oras ng pag-alis ng rescue team ng bansa, na binubuo ng mga military, medical personnel, inhinyero, at iba pang mga tauhan ng MMDA.

Umabot naman sa mahigit 15,000 katao ang nasawi sa nangyaring pagyanig sa Turkey at Syria.

Leave a Reply