Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa Department of Information and Communications Technology nitong Miyerkoles, nakikita ng ahensya na may magandang progreso pagdating sa mga nakapagparehistro na ng kanilang mga SIM card.

“We are seeing good progress in terms of the registered subscribers, and we look forward to how this will translate to a safer and more secure digital communications in the coming days,” ani DICT Secretary Ivan John E. Uy.

Kasunod ito ng tumaas na bilang ng mga nakapagparehistro na ng kanilang SIM card.

Anang ahensya sa isang pahayag, umabot na sa 30,010,694 o mahigit 17 porsyento ng 168,977,773 milyong gumagamit ng SIM card sa bansa ang rehistrado na noong Martes, Pebrero 7.

Pinaalala rin ng DICT na maaring makapagparehistro ang SIM subscribers sa mga sumusunod na link:

• SMART – smart.com.ph/simreg or simreg.smart.com.ph

• GLOBE – new.globe.com.ph/simreg

• DITO – https://digital.dito.ph/pto/download/app

Leave a Reply