By: Jen Lopez

Malaking halaga ng price rollback ang maaring bumungad sa mga mamimili sa susunod na linggo kung mapapanatili ang pagbaba ng presyo ng langis sa bansa hanggang sa araw na ito.

Ayon kay Fernando Martinez, chair of the Independent Philippine Petroleum Companies Association and of Eastern Petroleum Corp.,papatak na hanggang P12 kada litro ang maaring ibaba ng presyo sa krudo.

Ngunit nang dahil sa sitwasyon sa gitna ng Ukraine at Russia, maari rin ito magbago depende sa magiging resulta ng global oil market .

“Kung mananatili ang presyo ng langis kagaya nitong mga nakaraang araw, maaring maipatupad ang higit-kumulang P12 rollback para sa diesel”

(The computation as of yesterday is that [the rollback] could be P12 [a liter] for diesel. If the movement of (oil) prices would be the same as the first three days of this week, more or less it can be P12.)

Sa ngayon, ang presyo ng pump range sa bansa ay pumapatak na ng P70 hanggang P80 depende sa grado nito. Habang sa gasolina at krudo naman, inabot na ng P20.35 hanggang P30.65 ang naitaas nito simula noong Enero.

Leave a Reply