Share:

By: Margaret Padilla

Ang 2022 miniseries adaptation ng critically acclaimed na orihinal na pelikula noong 2013, “On the Job,” na idinirek ng kilalang Filipino filmmaker na si Erik Matti, ay nakatanggap ng Emmy nomination, habang ang 2021 sequel nito ay napili para makipaglaban sa Oscars.

Una, ang anim na bahagi ng miniseries edit ng orihinal na pelikula ay hinirang para sa Best TV Movie/Mini-Series sa 50th International Emmy Awards.

Inilabas ng award-giving body ang listahan ng mga nominado noong Biyernes, Setyembre 29. Ang nasabing serye ay lalaban sa mga pelikula mula sa Chile, France, at UK para sa parangal ng best TV movie or miniseries.

Ang seryeng “On the Job” ay umiikot sa mga sindikato ng krimen sa pulitika na nagsasagawa ng mga pagpaslang sa utos ng makapangyarihang mga tao sa pamamagitan ng panandaliang pagpapalaya sa mga bilanggo.

Una itong napanood sa HBO Go noong Setyembre noong nakaraang taon.

Samantala, ang “The Missing 8,” ang sequel ng “On the Job,” ay napili bilang entry ng Pilipinas para sa Best International Feature sa 95th Academy Awards, o Oscars.

Ayon sa ABS-CBN news, ang bid para sa Oscar ay ipinahayag sa publiko noong Biyernes ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ng Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) sa closing ceremonies ng Philippines Film Month.

“It’s overwhelming! Sobrang saya ko talaga. Sabi nga nila, ‘When it rains it pours,’” ang kwento ng bida ng pelikula na si John Arcilla sa ABS-CBN News. 

Binigyang-diin din ng sikat na aktor ang pangangailangan ng suporta ng “On the Job” sa Oscar competition para mas makilala ito sa US, kasama na sa social media.

Ipinaliwanag niya na walang sinuman, kabilang ang mga residente ng iba pang 51 na estado, ang boboto kung tahimik ang publisidad ng pelikula at mababa ang interes ng mga residente ng US na maaring bumoto. Kaya naman, napakahalaga para sa pelikula na lumabas at mai-promote sa mga kilalang publikasyon, magasin, at website.

“Sana mas lumakas pa loob natin at dumami ang financial support para tulungan tayong makapasok talaga sa Oscars. Sana lang marami pa tayong makuhang resources and influencers sa international media para mapaingay ang pelikula,” aniya ng aktor. 

Ayon sa ABS-CBN news, inihayag naman ni Tirso Cruz III, chairperson ng FDCP, na ang creative team ng “On the Job” ay makakakuha ng P1 milyon na incentive bilang suporta sa mga pagtatangka nitong hikayatin ang mga botante ng Academy na i-nominate ang nasabing pelikula.

Noong nakaraang taon, ang “On the Job: The Missing 8” ang tanging pelikulang Pilipino na nagkaroon ng global premiere sa Venice International Film Festival. (Photos: screengrab from YouTube/ HBO Asia)

Leave a Reply