By Christian Dee

Matatandaang naaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon, at ang pagiging epektibo nito ngayong araw, Oktubre 3, 2022.

Sa kadahilanang patuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, halos lahat ng uri ng land transportation ay magtataas na ng pamasahe.

Kabilang dito ang mga tradisyunal na jeep na nagtaas ng piso sa minimum fare na umabot ngayon sa P12, samantala P14 naman sa mga modern jeep.

Aprubado na rin ang karagdagang P2 para sa pamasahe sa mga pampublikong bus para sa unang limang kilometro nito na umabot naman sa P13 kung karaniwang bus, at P15 naman kung air-conditioned.

P40 naman ang singil ngayon sa mga Taxi kada kilometro. Sa Cordillera Administrative Region (CAR) naman ay nagkakahalaga ng P35.

Ani ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil sa isang panayam, “Gusto nating ipaalala sa ating mga pasahero na siguraduhin po na ang lahat ng sinasakyan natin bukas ay mayroong fare matrix.”

‘Yun po ang mag-ga-guide sa kanila kung magkano talaga ‘yung kanilang babayaran, kasi kung wala po ito, doon pa rin tayo sa dati nating pamasahe,” dagdag pa niya.

Alamin ang iba pang bagong presyo ng minimum fare sa mga pampublikong sasakyan:

Leave a Reply