By: Margaret Padilla
Ang opisyal na trailer para sa inaabangang serye ng ABS-CBN Entertainment na “Mars Ravelo’s Darna” ay inilabas noong Huwebes, na nakakuha ng higit sa 5 milyong views sa mga social media platforms at papuri mula sa mga netizens.
Ang mahigit 3 minutong video ay nakatanggap ng mahigit apat na milyong views sa Facebook sa loob lamang ng 24 na oras pagkatapos ito ilabas.
Samantala, nakakuha na ito ng mahigit 800,000 views sa Twitter. Ang hashtag na #DarnaTrailer ay mabilis na umakyat sa rank number 1 sa Twitter Philippines at nanatili doon kinabukasan. Kasama sa iba pang nag viral na hashtags at keywords na nauugnay sa palabas ay ang mga pangalan nila Joshua Garcia, Janella at Valentina, at Iza Calzado.
Nitong Linggo, ang official trailer ay umabot na nang 1 million views sa YouTube, 106,000 views sa TFC channel sa Facebook, mahigit 92,000 views sa ABS CBN page, at 5.4 million views sa TV5 Facebook page.
Ang pinakahihintay na trailer ay nagbigay ng sulyap sa pagkabata ni Jane De Leon bilang Narda, ang kanyang pagsasanay sa ilalim ng kanyang ina at unang Darna na si Leonor, na ginampanan ni Iza Calzado, at ang kanyang paglalakbay sa pagiging iconic na Pinay superhero.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens, ayon sa Kapamilya Online World.
“The set, CGI and VFX, star-studded casts, and the one and only Jane de Leon as Darna!.True to their word, they’re going global.”
“It’s the golden era of ABS-CBN. Amidst the franchise crisis on their network, they continue to air top-notch TV series. From the production to CGI, sound design, color grading, and cinematography, they’re doing their best for the people who waited for this.”
“All the hype leading to this trailer makes sense. The cinematic visuals, the intense drama, the handsomely-choreographed action sequences, & the entire new vision of this new adaptation simply make Darna extra-ordinary. What a solid springboard for Jane de Leon!”
“OMG. Wow, Just Wow! The Color Grading, the Editing. They brought an A Game! Bravo JRB Production!!! Wooohooo!!!”
“While watching the trailer, I got chills as in really. It was more unexpected than I expected. It is very Hollywood-like. Can’t wait to watch it! It’s really different with ABS-CBN, world-class really.”
“ABS CBN left no crumbs despite everything.”
Samantala, ibinuod ng Lionheart TV kung bakit nakatakdang mabighani ang Filipino TV audience sa adaptasyon na ito ng ABS-CBN sa Darna:
- Nostalgic sense. Ang adaptasyon ng ABS-TV CBN ay naghahatid ng malakas na pakiramdam ng nostalgia bilang ang unang Darna adaptation sa mahigit isang dekada.
- Outstanding performances. Ang cast ay gumanap nang mahusay sa kanilang mga karakter.
- Stunning and eye-catching visuals. Ganap na ginagamit ng serye ang ABS-CBN Sound Stage sa mga makabagong pasilidad ng Bulacan, na nagbibigay-daan sa network na kunan ng mga eksena sa loob na may de-kalidad tulad ng mga palabas sa Hollywood.
- Isang kapana-panabik na bagong kwento sa isang kilalang superhero.
- Promising new villains.
Samantala, dumalo ang main cast ng Darna ni Mars Ravelo, sa pangunguna ni Jane de Leon, sa TOYCON PH: The Philippine Toys, Hobbies, and Collectibles Convention ngayong Linggo, sa SM Megamall. (Photo: Screengrab from ABS CBN official trailer of Mars Ravelo’s Darna)