By Frances Pio

––

Inanunsyo ng Office of the Vice President (OVP) nitong Lunes na ang Bayanihan E-Konsulta program nito ay nakatakdang tapusin ang serbisyo sa Mayo 31.

Ang Bayanihan E-Konsulta ay isang teleconsultation program na inilunsad ni Vice President Leni Robredo at ng OVP noong Abril 7, 2021, upang tumulong na matugunan ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

“Nais po naming ipaalam na magtatapos na ang serbisyo ng Bayanihan E-Konsulta (BEK) sa Martes, May 31, 2022,” ayon sa OVP sa isang pahayag.

“Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa inisyatibo nating ito upang makapaghatid ng kinakailangang tulong medikal sa ating mga kababayan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic,” dagdag pa nito.

Libu-libong volunteers – mga medical professionals at non-medical professionals– ang sumali sa Bayanihan E-Konsulta at nagbigay ng kinakailangang tulong upang mabawasan ang pagsisikip ng mga ospital sa pamamagitan ng virtually linking ng mga pasyente at mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga konsultasyon.

“Sa lahat ng ating volunteer doctors, nurses, at iba pang medical professionals, pati na rin sa mga non-medical volunteers na naglaan ng kanilang oras at kakayahan para maging matagumpay ang ating programa, maraming salamat po sa inyo,” ayon sa OVP.

Leave a Reply