Share:

Ayon sa Malacañang P45 bilyong piso ang nais na ilaan ng pamahalaan para pangbili ng COVID-19 booster shots na gagamitin sa 2022.

Ito ay kasama sa 270 bilyong piso panukalang pondo ng gobyerno para sa COVID-19 pandemic response sa susunod na taon, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kung kakailanganin ng maaga ang mga booster shots ay gagawan umano ng paraan ng gobyerno na makabili agad. Ayon naman kay vaccine expert panel chairperson Dr. Nina Gloriani, maaari naman payagan mamigay ng booster shots kung 70 porsiyento ng populasyon na ang nabakunahan.

Leave a Reply