Nakipagpulong si Presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao sa mga political stalwarts sa Davao del Norte matapos ang matagumpay na sortie sa Davao Oriental upang talakayin ang mga larangan ng pagtutulungan kung paano mapapanatili ang kaunlaran ng Mindanao.

Noong Martes ng gabi, nag-courtesy call si Pacquiao kay dating Speaker at Davao del Norte 1st district Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez at Davao del Norte Governor Edwin Jubahib sa tirahan ng Gobernador sa Tagum City.

Sa hapunan, sinabi ni Pacquiao na inihayag ni Alvarez ang pangangailangan para sa mga Bisaya na magkaisa upang matiyak ang walang patid na pag-unlad sa Mindanao at Visayas.

“Ang pinag-usapan namin na importante yung magkaisa na sana ang Mindanao, magkaisa na sanap ang mga Bisaya,” ika ni Pacquiao. (By: Frances Pio)

Leave a Reply