By Frances Pio
––
Malabong maitataas ang Metro Manila sa moderate risk classification para sa COVID-19 sa lalong madaling panahon sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga impeksyon batay sa current trends, sinabi ng isang eksperto sa infectious diseases nitong Lunes.
Sinabi ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng technical advisory group ng Department of Health (DOH), na malayo pa ang Metro Manila sa pag-abot sa mga parameter para sa moderate risk classification.
Sinabi niya na ang average daily attack rate (ADAR) ng rehiyon ay “mas mataas nang kaunti” sa 1 kaso sa kada 100,000 populasyon, at ang ADAR ay dapat na hindi bababa sa 6 kada 100,000 populasyon upang maging moderate risk ang classification ng Metro Manila.
Ang hospital utilization rate ng Metro Manila ay nasa “low 20s” pa rin na dapat na nasa 50% o pataas para sa moderate risk.
“At this point, I don’t think so kasi malayo tayo doon sa parameters na ginagamit ng DOH in terms of moving from low risk to moderate risk,” sinabi ni Salvana.
Sa pag-uulit sa pahayag ng World Health Organization (WHO), sinabi ni Salvana na ang Metro Manila ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa 800 na kaso ng COVID-19 kada araw-araw sa susunod na dalawang linggo bago ito maitaas sa moderate risk.
Noong Linggo, nakapagtala ang DOH ng 612 bagong impeksyon ng COVID-19 sa buong bansa, kaya umabot na sa 4,529 ang bilang ng mga aktibong kaso.