Share:

Umaga ng ika-16 Hunyo, nagsalita na si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales sa isang pagpupulong kasama ang joint congressional committee patungkol sa  Universal Health Care (UHC) Act. 

Ayon umano kay Senator Richard Gordon, isang malaking epekto ang pagbagsak sa pagbabayad ng buwis ng bawat pilipino nang dahil sa kawalan ng trabaho at negosyo.

“Originally, we are already forecasting a net loss for 2020 because we received half of what we originally asked for but that was even before COVID”

“Ngayon po, with COVID, we are projecting a deeper loss. So our reserves are going to take a hit and we forecast that we will be able to meet ‘yung mga benefit payment requirements even if including COVID for the entire year of 2020.”

Nagsalita din ang Department of Budget Management (DBM) division chief Johnry Castillo tungkol sa pinansyal na estado ng PhilHealth. 

Maari umanong mabigyan ng 71 billion pesos ang PhilHealth para sa mga pagngaingailangan ng kagawaran, ngunit walang kasiguraduhan kung tataas ito o bababa hanggang sa pagpasok ng 2021 depende sa pagkakasunduan ng economic managers. 

Ngunit isisiguro naman nila na mabibigyan prayoridad ang mga state health insurer. 

Isa nga umano itong malaking pag bagsak para sa Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas at ng PhilHealth ang pasok ng krisis na hatid ng pandemya.

Leave a Reply