By: Jen Lopez
Naimbitahan ang ilang e-sabong operators sa Senado na sinasabing may hindi pagkakaintindihan sa kilalang businessman at co-founder ng Ultimate Fighting Cock Championship (UFCC) na si Atong Ang. Ito ay upang bigyang linaw ang biglang pagkawala ng umaabot na 30 mga sabungero.
Ayon kay Commitee Chairman Senator Bato Dela Rosa, ang Senate public order and dangerous drug panel ay nakapagpadala na ng imbitasyon sa mga lesinsyadong e-sabong operator upang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa darating na Lunes.
“Para mabigyang linaw yung allegation ni Mr. Atong Ang na there is conspiracy to put him down. Magbigay sila ng linaw tungkol doon,”
Noong nakaraang hearing itinanggi ni Atong Ang, ang binibintang sa kanyang kaso. Itinanggi rin ang pagkasangkot ng kanyang online sabong firm na Lucky 8 Star Quest Inc., kung saan live na pinapalabas ang mga larong nagaganap sa mga arena na kung saan din huling namataan ang mga nasabing nawawalang sabungero.
Ngunit iginiit din ni Atong na maaring may kinalaman ang mga kanyang kakompetensya sa online sabong sa mga nagaganap na pagkawala.
“Anim kami na magkakakilala rito. Number 1, ako. Number 2, Bong Pineda. Number 3, Cong. Teves. Number 4, di ko kilala mga kumpanya nila eh, kay ex-congressman Patrick Antonio. Number 5 kina Mayor Elan. Number 6, kina Gen. Cascolan, class ’86,”
Sa kabila ng mga dinedeklarang alegasyon ni Atong Ang, patuloy pa rin iimbestigahan ng Senado ang mga taong maaring nasa likod ng pagkawala ng 30 sabungero.
