Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Itinuturing na mahalaga ang papalakas ng kaalaman sa kalusugan ng mga tao, base sa pahayag ng isang opisyal mula sa Department of Health nitong Biyernes, Enero 27.

“At an individual level, it’s really about increasing our health literacy, so if we are knowledgeable about those factors which contribute to our health–what is healthy, what is not,” ani Dr. Miguel Mantaring, DOH Health Promotion Bureau division chief, sa Kapihan session ng ahensya.

“We contribute to healthy settings by lobbying and advocating for our settings to be healthy,” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya, ang kaalaman sa kalusugan ay hindi isang pribilehiyo.

“It’s not a privilege. It’s not something that is nice to have, but something that we should be demanding for,” aniya.

Paliwanag ng opisyal, hindi lang nito pinapataas ang kaalaman ng mga taumbayan sa kung ano ang mga kinakailangang gawin para magkaroon ng mas malusog na pamumuhay.

“But making our settings more enabling and supportive for Filipinos to live healthier lives,” dagdag pa ni Mantaring.

Ayon din kay Mantaring, nararapat na gawing may pananagutan ang mga pampublikong opisyal para sa pagbibigay ng malusog na kapaligiran sa komunidad.

“At an individual level, that is where strengthening the community action for health promotion comes in so that the government listens and is able to provide the interventions which the people are trying to raise up and voice out,” aniya,

“At an individual level, we can contribute to healthy settings, push for it and demand for it, and make sure that the people overseeing our settings to transform them as healthy are accountable to that.”

Ang Healthy Pinas website, isang website na inilunsad ng ahensya para makatulong sa publiko na makapili ng mas malusog na pamumuhay, ay maaring ma-access sa pamamagitan ng healthypilipinas.ph.

Leave a Reply