Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nahulihan ng dalawang sachet ng shabu ang isang Chinese national na inaresto sa Batangas nitong Biyernes, Enero 27.

Ang umanong nakuhang ilegal na droga mula sa suspek na si Paul Richard Yu ay may timbang na 23 gramo na nasa P150,000 ang halaga.

Ayon sa pulisya ng lalawigan sa ulat nito, inaresto ang suspek bandang alas-12:30 ng madaling araw sa Barangay 4 matapos magbenta ng shabu na may halagang P14,000 sa isang undercover na pulis.

Inaalam pa ng pulisya ang pinagmulan ng naturang ilegal na droga.

Ang suspek na Chinese ay na-tag ng awtoridad bilang isang high-value na indibidwal na may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Nahaharap naman si Yu sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

Leave a Reply