By Christian Dee

Matapos pagbabarilin malapit sa kaniyang bahay ang isang beteranong brodkaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang “Percy Lapid” sa Las Piñas City kagabi, Oktubre 3, 2022, mga miyembro ng pamilya, organisasyon at mga politiko, nagkondena sa pagpatay at nagpahayag ng saloobin.

Sabi ng pamilya, si Lapid ay minamahal at nirerespeto ng mga kaibigan, fans at ng marami pa. Ikinukondena rin ng pamilya ang nakalulungkot na krimeng pagpatay sa kaniya.

“We demand that his cowardly assassins be brought to justice,” pahayag ng pamilya.

Ayon naman sa isang panayam kay Mark Mabasa, anak ni Lapid, na kasalukuyang walang pinagsususpetyahan ang pamilya kung sino ang pumatay sa ama. Hangad din niya na sana ay makamit ang hustisya para sa kaniyang ama dahil anim na anak ang mga naulila.

Isa pa sa mga nagkondena ng pagpatay ay ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Ani ng organisasyon, “The killing shows that journalism remains a dangerous profession in the country. That the incident took place in Metro Manila indicates how brazen the perpetrators were, and how authorities have failed to protect the journalists as well as ordinary citizens from harm”

“We call on the public to join us in condemning yet another murder of a journalist. We call on Philippine National Police to hold the perpetrators accountable,” dagdag sa pahayag ng NUJP.

Maging si Sen. Risa Hontiveros din ay ikinundena ang pagpaslang. “Sir Percy was a strong dissenting voice that made sure government officials did not become too comfortable with power. Ang pagpatay tulad ng kay Percy ay tila may pagpapahiwatig na kung kontra ka, kung kritikal ka, patatahimikin ka,” mensahe ng senador.

Isa rin sa mga nagkondena si Sen. Robin Padilla at sinabing, “This murder of a mediaman is an attack on the right to freedom of expression that is enshrined in our Consistution.”

Leave a Reply