By Christian Dee
MAYNILA — Ayon sa ulat ng ABS CBN News, nanawagan ngayong Martes, Oktubre 4, 2022, ang mga health workers mula sa pampubliko at pampribadong ospital sa harap ng Department of Health sa Sta. Cruz, Manila.
Labis ang pag-aalala ng grupo ng mga nagpoprotesta sa nasabing lugar dahil sa kapabayaan at pagbabalewala umano ng DOH sa kalusugan, proteksyon, kapakanan at karapatan ng mga health workers.
Ayon sa mga health workers, nais na nilang matanggap ang COVID bonus para sa taong 2021-2022. Kinukuwestiyon din ng grupo kung bakit nga ba na-delay ang paglalabas ng nasabing allowance Kasama rin sa usapin ang performance-based bonus ng mga health workers para naman sa nakalipas nang mga taong 2020-2021.
Dagdag pa rito ang mas malaking budget ang kanilang mungkahi sa pamahalaan na para naman sa mga ospital na pagmamay-ari ng gobyerno.
