By: Margaret Padilla
Ayon kay Albay Representative at dating ekonomista, Joey Salceda, patungo sa pagtaas ng inflation ang anumang global economic developments. Dahil dito, naghahanda na ang mga mambabatas sa papasok na 19th Congress na harapin ang mga problema tulad ng pagtaas ng inflation bago pa man maupo sa pwesto si presumptive President Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo 30.
“Commodities will have high prices over this decade,” aniya. “That’s going to be a global trend.”
Ang average na inflation sa susunod na dekada ay mas malapit sa 5% o mas mataas bawat taon. Kaya naman, “it’s still going to hurt because [our] average inflation over the last ten years has been just under 3%,” ang kanyang paliwanag.
Gayunpaman, binanggit din ni Salceda na ang Pilipinas ay “much better than much of the rest of the world,” kung saan ang global inflation ay 9.2 porsyento ng huling quarter at ang antas ng Pilipinas ay nasa 4 porsyento lamang.
“The only way to balance that is to increase our commodity output so that our farmers and domestic commodity sector benefit from high prices,” ang mungkahi ng mambabatas.
Naniniwala siya na ang pagtaas ng kasalukuyang output ng agrikultura at pagmimina habang gumagawa din ng bagong output mula sa mga mapagkukunan ng langis at gas ay magiging mahalaga para sa susunod na mga administrasyon.
Samantala, sang-ayon naman si Senate Finance Committee Chairman Juan Edgardo Angara na maraming tao ang nagdududa sa kakayahan ng bansa na makabangon. “There is a great deal of uncertainty,” aniya. “There’s a lot of doom and gloom.”
Alam niyang kahit ang mga ekonomista ay nagdududa. Ang dating economic planning chief Ernesto Pernia, halimbawa, ay sinabing ang pagkapanalo ni Marcos sa nakaraang halalan ay maaaring makasama sa ekonomiya.
Si Angara, sa kabilang banda, ay mas maasahin sa mabuti, na tiniyak na “the Philippines will be okay and there’s a chance that we might even be better.” Sinabi niya na ang paglago ng ekonomiya sa huling tatlong administrasyon ang nagpapahiwatig nito.
