By: Jen Lopez

Ang fast craft vessel na may 124 na pasahero at 10 crew members ay nasunog habang naglalayag sa dagat sa Real, Quezon noong Lunes ng umaga, Mayo 23, na ikinasawi ito ng hindi bababa sa pitong indibidwal ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni Commodore Armando Balilo, tagapagsalita ng PCG, na nasunog ang fast craft vessel MV Mercraft 2, dakong 6:30 ng umaga habang bumabaybay sa Baluti Island sa Brgy. Cawayan – humigit-kumulang 1,000 yarda mula sa daungan ng Real.

Ang MV Mercraft 2 ay umalis sa Pulilio Island bandang 5 a.m. patungo sa Real town. Ang barko ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng isang Erwel Merania na nakabase sa Batangas.

Nitong alas-10 ng umaga, ani Balilio, pitong indibidwal ang napatay sa insidente: limang babae at dalawang lalaki.

“As we speak, we have yet to determine whether the fatalities are all passengers or there are crew members,” ayon kay Balilio.

Leave a Reply