By Christian Dee

MAYNILA – Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Bise Presidente ng bansa at Department of Education (DepEd) Secretary na si Sara Duterte ukol sa pagre-rebrand umano ng Batas Militar.

Sinabi ni Duterte sa pahayag na, alam niya ang kahalagahan ng Martial Law at EDSA Revolution sa kasaysayan ng bansa.

Bilang bata, hindi ko mabilang ang mga yellow pages sa directory ng telepono na  ginupit ko para gawing confetti ng mga Yellow Friday Movement demonstrations sa  pangunguna ni Soledad Duterte, ang aking yumaong lola, sa Davao City. Mukhang  mas marami tayong ambag sa mga pagkilos laban sa Martial Law kaysa sa ilang  maiingay na anti-Marcos ngayon,” aniya. 

Giit nito na bilang kalihim ng edukasyon, wala sa kaniyang mandato ang pagsira sa integridad ng kasaysayan.

At ang Department of Education — na kasalukuyang abala sa mga programang  naglalayong maiangat ang kalidad ng basic education sa Pilipinas — ay walang  panahon para sa historical revisionism na pilit na iginigiit ng ilang mga anti-Marcos  groups,” dagddag pa niya. 

Una nang nasabi ng DepEd Spokesperson na hindi totoo ang sinasabing rebranding  ng ating kasaysayan. At inuulit ko ang sinabi ni Atty. Michael Poa: hindi totoo ang  rebranding,” saad ng anak ng dating pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa huli, nais ni Duterte na mag-ingat ang publiko sa mga pagkilos laban sa Martial Law gamit ang ahensya.

Photo from DepEd Philippines / Facebook
Photo from DepEd Philippines / Facebook

Leave a Reply